GMA Logo Dingdong Dantes and Marian Rivera
Source: marianrivera (IG) & Rec•Create (YT)
What's Hot

Dingdong Dantes, gusto ba talaga makatrabaho si Marian Rivera?

By Aedrianne Acar
Published January 4, 2024 12:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes and Marian Rivera


Dingdong Dantes, tila pinagpawisan nang sumabak sa isang lie detector test drinking game kasama ang misis na si Marian Rivera.

Napuno ng tawanan at may ilang rebelasyon din ang Jose and Maria's Bonggang Villa stars na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera nang sumabak sila sa polygraph test toy challenge sa YouTube channel na Rec Create.

Sa bawat oras na magla-lie ang DongYan sa mga tanong na binabato nila sa isa't isa, makakatanggap sila ng electric shock mula sa isang polygraph test toy.

Isa sa tanong na ibinato ni Marian sa kaniyang mister ay kung gusto ba talaga siya nito na makatrabaho?

Nakaranas ng electric shock si Dingdong at nagpaliwanag na totoo gusto niya maka-work si Marian.

Lahad niya, “Walang explanation dun, kasi yes talaga.”

“Alam mo minsan may mga glitch sa bahay, minsan hindi mo ma-control 'yung kuryente. Kahit may mga glitches na 'to hindi natin,” sabi pa ni Dingdong..

Natatawang sabat ng Kapuso Primetime Queen, “Bakit pa natin 'to ginagawa, sabihin na lang natin.”

Source: Re Create (YT)

“So, may mga glitches din yan. Pero totoo sinasabi ko,” paliwanag ni Dong. “Unang-una, sobrang professional niya. Not to mention napakagaling na artista umpisa pa lang.

“Mas humuhusay siya habang tumatagal. Professional, napakahusay, napakasayang kasama sa set. Parating may funny moments, parati kaming busog. Ang dami niyang pinapakain sa amin. So, grabe!”

Abangan ang pagbabalik sitcom ng DongYan sa season two ng Jose and Maria's Bonggang Villa, coming soon sa GMA-7!

THE MANY REASONS WHY DONGYAN IS AN IDEAL COUPLE: