
Happy ang award-winning actor na si Dingdong Dantes na natupad niya ang wish ng kaniyang anak na si Sixto ang isa sa mga idol niyang 'Michael' sa mundo.
Nitong weekend, i-pinost ng The Master Cutter star ang kuha ng bunso niyang anak, kasama ang internationally-acclaimed comedian na si Michael V. sa birthday event ng anak nina Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan.
Pinsan ni Dong si Arthur na isa sa mga regular cast ng hit sitcom na Pepito Manaloto kung saan bida naman si Direk Michael.
Sa exclusive interview ni Dingdong sa 24 Oras, inalala niya ang pagkikita ni Sixto at Kapuso ace comedian.
Lahad niya, “Alam mo matagal na niyang sinasabi sa akin (Sixto Dantes) na I want to meet him. Si Michael V., kasi pinapanood namin 'yung mga videos niya.
'Tapos sabi niya, 'You know I only know three Michaels- Michael Schumacher, Michael Jordan, and Michael V., wow sabi ko. Ikinuwento ko nga kay Kuya Bitoy 'yun kung may pagkakataon e baka puwede kung ipa-meet sila, kasi request sa akin ni Sixto 'yun.”
RELATED CONTENT: SIXTO DANTES'S CUTEST MOMENTS
Bukod sa pagiging aktor, creative director din si Michael V. sa Pepito Manaloto at sa flagship gag show na Bubble Gang kung saan isa siya sa original cast member.
RELATED CONTENT: Michael V.: Things you didn't know about the Filipino comedy creative force