Celebrity Life

Dingdong Dantes, ibinahagi ang gustong matutunan ng mga anak

By Maine Aquino
Published June 14, 2019 10:00 AM PHT
Updated June 14, 2019 10:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News



Dingdong Dantes on becoming a parent, "It's a process that I wouldn't mind doing over and over again."

Bago pa man i-celebrate ni Dingdong Dantes ang Father's Day, kanyang ibinahagi ang mga emosyon na kanyang naramdaman sa pagdating nina Zia at Ziggy sa kanyang buhay.

Dingdong Dantes
Dingdong Dantes


Ayon kay Dingdong, hindi na niya umano ramdam ang pagkakaiba sa pinagdaanan nila ni Marian sa pagdating ng nina Zia at Ziggy.

"The thing is hindi ko naaalala. 'Yung mga pinagdaanan namin noong una kasi very focused kami sa pagpapalaki kay Zia. Noong dumating na yung bago, ganito pala. So parang brand new na ulit sa amin,” kuwento ni Dingdong sa ginanap na media conference ng StarStruck kamakailan.

Embed: https://www.instagram.com/p/BxXT_0TgggS/

IN PHOTOS: 'StarStruck' season 7 media conference

Dagdag pa ni Dingdong, maganda ito dahil nabibigyan ulit sila ng panibagong magagandang memories bilang mga magulang.

"Maganda kasi it's like starting from the beginning again.

“Ibinigay ulit sa amin yung ganong experience; yung kaba, yung excitement, tapos ngayon pagpapalaki. It's a process that I wouldn't mind doing over and over again,” sabi ni Dingdong.

Ngayong dalawa na ang anak ng StarStruck and Amazing Earth host, kita na niya ang pagkakaiba sa kanilang buhay nang nadagdagan ng miyembro ang kanilang pamilya.

"Iba, siyempre. Mas may extra stroller na itutulak.

“Parang noong Linggo nagda-drive kami, sanay ako sa tatlo lang sila, e.

“Ngayon, may pang-apat na tapos may isa pang stroller."

Nabanggit ng entertainment reporters na siguradong si Ziggy na ang magmamana ng kotse at motor ni Dingdong.

Pero para kay Dingdong, mas importante ang lumaki ang mga anak na may mabubuting kalooban.

"Mga materyal na bagay, materyal lang 'yan. Ang mahalaga turuan mo silang maging mabuting tao."