
Ngayong Linggo mapapanood natin ang pag-uusap nina Dingdong Dantes at Pasig City Mayor Vico Sotto sa 3rd Anniversary special ng Amazing Earth.
Sa ginanap na media conference ng Amazing Earth ay ibinahagi ni Dingdong Dantes ang kaniyang napansin sa kaniyang guest at Amazing Earth hero na si Mayor Vico.
Photo source: Amazing Earth
"Nakikita ko at nasusundan ko siya sa social media dahil marami siyang fans. Maraming humahanga sa kaniya hindi lang 'yung constituents niya. Sa nakikita ko kung papaano siya sa telebisyon or sa social media ay wala siyang pinagkaiba noong in-interview ko siya. I think that he is really a humble public servant."
Saad ni Dingdong ay ramdam niya ang malasakit nito sa kaniyang kapwa.
"Very very sincere, kumbaga ang kaniyang pagmamalasakit ay talagang may pinagmumulan at hindi lang siya lip service ika nga."
"Match na match 'yung values niya sa aksyon na ginagawa niya. Talagang masasabing servant leader talaga siya at nakakahanga dahil at his very young age, very very clear ang kaniyang pananaw tungkol sa kung paano siya mag-govern sa isang city."
Isa sa aabangan ngayong Linggo sa Amazing Earth ay ang pag uusap nina Dingdong at Mayor Vico tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran.
"Hindi mawawala sa pagpapatakbo ng isang lugar yung pangangalaga sa kapaligiran at 'yun ang isa sa pinaka hinighlight namin at napag-usapan namin doon sa kuwentuhan namin.
Dugtong pa ng Kapuso Primetime King, makikita raw ang "green side" ni Mayor Vico sa Amazing Earth.
"Very interesting ang conversation namin dahil makikita natin ang green side ni Vico Sotto."
Abangan ang first part ng anniversary special ng Amazing Earth mamayang 7:40 p.m. sa GMA Network.
Silipin ang ilang mga litrato nina Dingdong at Mayor Vico sa Amazing Earth: