
Isang lesson na tumatak kay Dingdong Dantes sa kaniyang ilang taon sa showbiz ay ang pagkakaroon ng oras para sa sarili.
Kuwento ng Kapuso Primetime King kina Slater Young at Kryz Uy sa Skypodcast, "Have time to relax, have time to be with friends, have time for life."
Saad ni Dingdong, maganda na magkaroon ng balance sa buhay.
"If you are too much stuck up dito sa parang pagiging workaholic, 'yung wala ka na talagang balanse, wala ka ring pinaghuhugutan e. So parang kailangan talagang na-e-enjoy mo 'yung buhay kasi otherwise, para saan mo pa siya ginagawa?"
Photo source: YouTube: Skypodcast
Kuwento ni Dingdong, may mga kilala siya na pati kalusugan at kaligayahan ay naaapektuhan na rin ng sobrang pagtatrabaho.
"I know so many people who are also very successful pero sobra talagang focused and dedicated, and sobrang workaholic. Sometimes to a fault na talagang nakakalimutan na nila 'yung sarili nila, 'yung kasulugan nila, sometimes 'yung kaligayahan nila."
Paliwanag ni Dingdong, balanse ang kailangan lalo na sa trabaho na kailangang humarap sa tao.
"I guess the reason why you want that balance, why you want to live the life. is because siyempre in order for you to present yourself out there, to the public, or on whatever stage, whether it's a local stage or an international stage, you have to be your best self."
Dugtong niya, "In order for you to become your best self, kailangan mapagdaanan mo talaga 'yung buhay. Mapagdaanan mo 'yung hardships, mapagdaanan mo 'yung masarap, 'yung masaya, 'yung mapait, 'yung hindi, lahat. Lahat kailangan mong pagdaanan."
Ang mga experience na ito, para kay Dingdong, mababaon sa ano mang role na gagampanan ng isang aktor.
"Sabi nga if you have lived the life, meaning na-experience mo na, then you become more equipped especially as an actor."
"Kung wala kang ganong experience sa buhay mo, hindi mo siya maipararamdam o maipapakita. For you to have that confidence, you really have to be your best self."
Panoorin ang kabuuang kuwento ni Dingdong kay Slater at Kryz sa video na ito:
Samantala, tingnan ang photos ng Dantes Family sa gallery sa ibaba:
RELATED CONTENT:
Dingdong Dantes, lilimitahan na ang pagpo-post tungkol kina Zia at Sixto