
Angat ang husay at galing ng versatile TV-movie actor na si Paolo Contis sa pagganap niya bilang Red sa high-rating GMA Prime series na The Master Cutter.
Mailalarawan na “pivotal” ang susunod na mangyayari sa main villain ng serye na katunggali ng karakter ni Atoy (played by Dingdong Dantes).
At sigurado magugulat ang lahat sa magiging encounter soon ni Red at kaniyang ama na si Dmitri (Tonton Gutierrez).
Sa katunayan, lubos na humanga si Dingdong Dantes na may teaser sa “dramatic performance” ni Paolo at nag-post pa ito na pinupuri ang co-star.
Kahit ang tumatayong anak ni Paolo sa series na si Sparkle heartthrob Prince Carlos ay lubos na humanga sa “intense” acting niya.
Curious na ba kayo sa shocking events na mangyayari sa Regalia household?
Abangan ang lahat na yan sa The Master Cutter na mapapanood sa GMA, GTV, Heart of Asia, and I Heart Movies sa oras na 8:00 p.m..
RELATED GALLERY: Career journey of multi-faceted Sparkle actor Paolo Contis