
Binalikan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang isa sa mga classic niyang karakter na ginampanan nang muli niyang ibahagi ang larawan niya bilang si Ybrahim sa orihinal na Encantadia na unang ipinalabas noong 2005.
Sa Instagram, masayang nag-reminisce si Dingdong pati na rin ang kanyang kasamahan sa Encantadia na si Iza Calzado at Direk Mark Reyes.
Pabirong sulat ni Dingdong sa caption, "Once upon a time when our midnight snack included “slaying” some Hathors."
Binati naman ni Iza, na orihinal na gumanap bilang Sang'gre Amihan, si Dingdong gamit ang wikang Enchan na ginagamit sa mundo ng Encantadia.
Komento niya, "Avisala, Ybrahim!"
Reaksyon naman ni Direk Mark, na siya ring direktor ng inaabangang Voltes V: Legacy, "Nothing like the OG Encantadia team!"
Tinawag rin na "OG" ni Ruru Madrid si Dingdong. Si Ruru ang gumanap na Ybrahim at Ybarro sa requel ng Encantadia noong 2016 na kasalukuyang bumibida ngayon sa Lolong.
Magpapatuloy ang saga ng Encantadia sa upcoming GMA Telebabad series na Sang'gre. Sino kaya ang bibida rito? Mapapanood kaya natin ang dating karakter na minahal ng marami?
Ugaliin na bumisita sa GMANetwork.com upang mapalan ang mga kasagutan.
SAMANTALA, NARITO ANG PATUNAY NA ISA PA RIN SI DINGDONG SA PINAKAGWAPONG ARTISTA HANGGANG NGAYON: