
Sa Amazing Earth ay inalam ni Dingdong Dantes ang kalagayan ng mga hayop na nare-rescue mula sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila.
Sa episode nitong April 4 ay nagpunta si Dingdong sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center para alamin ang mga paraan na ginagawa nila para makatulong sa iba't ibang mga hayop.
Ayon kay Dingdong, "Mula sa pagiging mini zoo noong 1970s, ang wildlife rescue center ay naging rehabilitation at repository facility ng mga abandonado, kumpiskado o donated na indigenous at exotic wildlife."
Ibinahagi naman ng Ecosystems Management Specialist na si Candace Salud ang kaniyang kaalaman sa pag-aalaga ng mga hayop.
Panoorin ang episode na ito sa video sa itaas.
RELATED CONTENT:
Amazing Earth: The Legend of the Dragon Fruit