
Excited na si Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa mga mapapanood sa Family Feud ngayong 2026!
Ayon sa award-winning host, malaking papremyo ang inihanda ng Family Feud sa mga viewers ngayong taon. Ibinahagi niya ito sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.
Simula noong January 12 ay nagbalik na ang fresh episodes at pamimigay ng cash prize sa lucky viewers sa "Guess More, Win More" promo.
Inilahad naman ni Dingdong na may bago pang pakulo na dapat abangan sa "Guess More, Win More."
"'Yung "Guess More, Win More," hindi lang sa time slot na ito. Makikita at may chance na manalo all throughout the day dito sa GMA. Abangan niyo 'yan."
Ikinuwento pa ni Dingdong ang mga pinaghahandaan ng Family Feud.
Ani Dingdong, "Magkakaroon tayo ng on ground presence. Bibisita tayo sa mga schools, we will also have game nights sa mga bars, sa mga restaurants, Family Feud game nights."
Panoorin ang mga kuwento ni Dingdong Dantes dito:
Samantala, subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network at Kapuso Stream. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.