
Break muna sa trabaho noong April 16 ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes dahil family time muna raw para sa fifth birthday ng kaniyang bunso, na si Jose Sixto Dantes IV.
Sila ng kaniyang asawa na si Marian Rivera, binigyan nila ng Ninja Turtles themed party ang kanilang anak, kung saan dumalo rin ang mga kaibigan niya sa school.
Sa isang panayam kasama si Lhar Santiago para sa 24 Oras, binahagi ni Dingdong ang kaniyang kasiyahan para sa kaniyang bunso. Tila raw napakabilis ng panahon at lumalaki na kaagad si Sixto. Kaya naman dapat sulitin niya raw ang panahon habang bata pa ang kaniyang bunso.
"Five years old na siya, napakabilis ng panahon. Kaya talagang, you know we have to spend more time, more quality time, kasama ng ating mga anak. Dahil minsan lang kasi sila bata kaya sulitin talaga natin iyon."
Kamakailan lang, binati rin ni Dingdong si Sixto sa Instagram. Sa kaniyang post, linagay niya sa caption, "Our six is now five" kasama ang beach picture ng kaniyang anak.
Bumati rin sa Instagram ang Kapuso Primetime Queen. Isang heartfelt message at adorable picture ni Sixto naman ang linagay ng aktres sa kaniyang post.
Related content:
xxxxxxxxxx
Ngayon, balik-trabaho na ang mag-asawa sa showbiz at pati na rin sa kanilang upcoming films.
Si Dingdong ay magsisimula na mag-taping sa kaniyang pelikula na Love After Love.
Habang ang kaniyang asawang si Marian Rivera naman ay excited na simulan ang kaniyang film na Balota para sa Cinemalaya.
Kuwento ni Dingdong, "Excited na excited siya dito sa pelikulang ito. Dahil nandoon na rin siya sa punto ng kaniyang buhay na gusto rin niya gumawa ng mga edgy, mga challenging at makabuluhang proyekto."
Super blessed rin ang Kapuso couple dahil tatanggap sila ng award mula sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) para sa kanilang pinagbidahang pelikula na Rewind.
"Salamat sa FAMAS sa pagkilala nito. Lahat naman nito, lahat ng mga nangyayari, lalo na doon sa pelikula ng Rewind, lahat iyon ay bigay ika nga bigay ni Lods," sabi ni Dingdong.
Maliban sa movies, focus rin ang mag-asawa sa kanilang mga GMA shows.
Patuloy nagbibigay ng ligaya at kaalaman si Dingdong sa mga programa na Family Feud at Amazing Earth.
Mapapanood naman si Marian sa kaniyang prime series na My Guardian Alien. Ngayong biyernes, pangungunahan rin ng Primetime queen ang book launch ng "Si Gren, Ang Kaibigan Kong Alien" sa Philippine Book Festival, kung saan makakasama niya ang kaniyang co-stars na sina Gabby Conception at Raphael Landicho.