
Ipinakita ni Dingdong Dantes na supportive siya sa collection ng asawa niyang si Marian Rivera.
Si Marian ay isang avid toy, figurine, at sculpture collector. Makikita sa kaniyang social media posts ang iba't ibang uri nito sa kanilang tahanan. Ilan sa mga ito ay limited edition items mula sa Pop Mart tulad ng Molly at Labubu.
Sa TikTok account ni Dingdong ay ipinakita niya ang behind the scenes ng unboxing ni Marian. Ito ay ang Javier Calleja No Wings to Fly ng Kapuso Primetime Queen.
PHOTO SOURCE: TikTok: dingdongdantes
Saad ng Kapuso Primetime King, Amazing Earth at Family Feud host sa kaniyang post, "Video bomber daw 😁"
Makikita ang saya ni Marian sa bagong dagdag sa koleksyon.
Ani Marian, "Oh my god, sobrang ganda."
@dingdongdantes video bomber daw 😁
♬ original sound - Dong Dantes
Natawa naman ang aktres naman nang makitang kinukuhanan siya ng video ng kaniyang asawa.
Narito ang Molly collection ni Marian Rivera: