Naka-focus sa 'StarStruck' at sa nalalapit na panganganak ng kanyang misis na si Primetime Queen Marian Rivera ang actor/host kaya laking gulat niya sa mga hakahakang naririnig tungkol sa pagtakbo niya bilang senador next year. By MARAH RUIZ
Abala si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa ika-anim na season ng orginal artista reality search na Starstruck. Sa katunayan, excited daw siya sa pangalawang live telecast nito na gaganapin ngayong araw, September 18 dahil posibleng dito daw maganap ang unang elimination.
"Ang laki na ngayon ng expectation sa kanila (contestants). Siyempre hindi lang unang 14 'yung aakalain mo, so ang dami na— dalawang grupong napakalaki. I'm sure meron silang (judges) bet doon sa kabila, meron sa kabila. Hindi natin alam kung anong sistema ng pagtatanggal," kuwento ni Dingdong sa 24 Oras.
Bukod sa Starstruck, abala din si Dingdong sa nalalapit na panganganak ng kanyang misis na si Primetime Queen Marian Rivera. Sa dalawang bagay daw na ito siya muna naka-focus kaya laking gulat niya sa mga hakahakang naririnig niya tungkol sa pagtakbo niya bilang senador.
"I'm respectfully reiterating na hindi po ako tatakbo this 2016," paglilinaw nito.
Narito ang buong ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras: