
Inamin ni Kapuso Primetime King DIngdong Dantes na challenging ang pagganap niya sa dalawang role sa bagong kuwento ng GMA drama anthology na I Can See You na pinamagatang "AlterNate."
Pero ayon sa primetime actor, naging madali ang pagganap niya sa magkakambal na sina Nate at Michael dahil sa tulong ng isang mystery Kapuso actor na gumanap bilang kanyang ka-alternate.
Hindi raw mabubuo ang programa kung 'di dahil sa nasabing aktor na inilarawan ni Dingdong na napakahusay at nirerespeto niya kaya naman labis ang pasasalamat niya rito.
Para doble ang thrill, hindi muna pinangalanan ni Dingdong ang mystery actor na makikilala ng mga manonood pagkatapos ng run ng AlteNate.
Ani Dingdong, "Sa totoo lang, kung anu-anong klaseng paghahanda ang sinubukan ko pero pagdating ko sa set, na-realize ko, 'di ko pa rin talaga alam kung paano ko s'ya gagawin.
"Pero 'yung magic ng filmmaking really allows us to explore so many things with our fellow artists.
"And, I think, 'yung totoong paghahanda ay nangyari sa set sa pamamagitan ng pag-interact namin when we were reading the script while we were in quarantine."
Kasama naman sa bucket list ng bagong Kapusong si Beauty Gonzalez na maging leading man niya si Dingdong.
Bahagi ni Beauty, "I'm flattered na ako 'yung kasama n'ya ngayon and I'm so happy and very excited about the show.
"It's a great start for the year to be partnered with the Primetime King so it's such a privilege."
Panoorin ang buong ulat sa video sa itaas.
Ang I Can See You: AlterNate ay mula sa direksyon ni Dominic Zapata.
Tampok din dito sina Ricky Davao, Jackie Lou Blanco, at Joyce Ching.
Mapapanood ang I Can See You: AlterNate simula January 10, 8:50 p.m. sa GMA. It will also air on GTV, Monday to Thursday at 11:30 p.m., and Friday at 11:45 p.m.
Samantala, balikan sa gallery na ito ang mga tumatak na karakter ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa telebisyon: