
“Ober sa tawa at ober sa saya” ang pagbabalik sa Family Feud si Dingdong Dantes para sa back-to back special episodes ngayong November 12 at 13!
Ngayong Huwebes, magsisimula na ang kanyang dalawang special episodes na inihanda para sa Nobyembre sa Family Feud. Mayroon pang sweet surprise na inihanda para kay Dingdong dahil makakasama niya si Marian Rivera!
Isang nakakakilig na moment ang naghihintay sa viewers dahil sa pagbisita ni Marian para batiin at suportahan si Dingdong sa pagbabalik nito sa Family Feud.
Fresh from theatrical opening noong November 11, game na game na maglalaro ang Team Remember!
Bukod sa pagpapasalamat sa lahat ng moviegoers na nanood na ng kanilang pelikula, iimbitahan din nila ang mas marami pang viewers na panoorin ito sa mga sinehan. Maglalaro sa Family Feud ang mga cast na sina Joross Gamboa, Ana Abad Santos, at Kyle Echarri kasama ang kanilang director na si Mae Cruz Alviar na first time sasabak sa Family Feud.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Hindi rin magpapahuli ang Team Delivery Boi na binubuo naman ng mga cast member ng Kapuso series. Kabilang sa grupo si Eric Quizon bilang Enrique, Meryll Soriano bilang Edna, Keempee De Leon bilang Paeng, at Gio Alvarez bilang Hector. First time naman na maglalaro sa Family Feud sina Eric at Keempee.
Samantala, sa November 13, masayang boys-versus-girls showdown ng cast ng hit GMA action series na The Master Cutter ang aabangan sa Family Feud!
Kasama ni Dingdong Dantes sa "o-ber sa tawa, o-ber sa saya" Friday ang dalawang teams na parehong gustong makuha ang top survey answers!
Pangungunahan ng comedian at former PBA superstar na si Benjie Paras ang The Master Cutter Boys. Siya ay kilala bilang Tower of Power at isa sa 25 Greatest Players ng PBA.
Kasama niya sa Family Feud si Prince Carlos, ang dating varsity player ng College of Saint Benilde na tumulong sa team para makuha ang first runner-up finish noong NCAA Season 98. Kabilang din sa The Master Cutter Boys si KC Montero na former video jockey na handang ipakita ang kanyang game show skills, at si Ketchup Eusebio na kamakailan lang ay pinag-usapan online dahil sa nakakatawa niyang eksena at ang pagkakahawig niya kay Michael V.!
PHOTO SOURCE: Family Feud
Pinangungunahan ni Max Collins, ang actress, model, at mom na gumaganap bilang leading lady ni Dingdong sa The Master Cutter, ang The Master Cutter Girls.
Makakasama niya ang veteran actress at industry icon na si Rio Locsin, ang mainstream actress at dating VMX siren na si Azi Acosta, at ang actress na nagpapatuloy ng kanilang family legacy at gumaganap sa mga memorable characters na si Max Eigenmann.
Huwag palampasin ang back-to back special episodes ni Dingdong sa Family Feud ngayong November 12 at 13, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa buong detalye.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.