
Sa ikatlong anibersaryo ng Amazing Earth makakasama ni Dingdong Dantes si Pasig City Mayor Vico Sotto.
Ngayong June 13, magsisimula ang 3-part special ng anniversary ng Amazing Earth. Sa episode ngayong Linggo, makakasama ng Kapuso Primetime King si Mayor Vico sa Pasig Rainforest Park para pag-usapan ng isang makabuluhang proyektong ginagawa sa kanilang siyudad.
Photo source: Amazing Earth
Bukod rito, may exciting na adventures din na mapapanood mula sa award-winning nature documentary series na Seven Worlds, One Planet: Europe.
Sa Linggong ito, magsisimula nang mapanood ang Amazing Earth sa bago nitong timeslot. Sa June 13, maaari na nating mapanood ang iba't ibang mga kuwentong amazing tuwing 7:40 p.m., bago mag-KMJS.
Silipin ang iba pang dapat abangan sa Amazing Earth anniversary special sa gallery na ito: