GMA Logo Dingdong Dantes in Amazing Earth
Photo source: Amazing Earth
What's on TV

Dingdong Dantes, maraming natutunan bilang host ng 'Amazing Earth' for four years

By Maine Aquino
Published July 6, 2022 7:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wage hike OK'd for Northern Mindanao minimum wage earners, kasambahays
Woman run over by bus in Davao City; dies
Marian Rivera welcomes the new year in luxurious designer jewelry

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes in Amazing Earth


Alamin ang kuwento ng host na si Dingdong Dantes ngayong may month-long 4th anniversary episodes na handog ang 'Amazing Earth.'

Bilang host for 4 years ng Amazing Earth ay nananatili pa ring motivated at excited sa mga taping si Dingdong Dantes.

Kuwento ni Dingdong sa ginanap na online mediacon para sa 4th anniversary ng Amazing Earth nitong July 6, isa sa mga nilu-look forward niya sa programa ay ang mga kasamahan sa programa.

Ani Kapuso Primetime King sa entertainment press, "Aside from our very loving staff, mga masasarap katrabaho mula sa aming producer, sa aming direktor, lahat sa team na kasama namin since day one. Yun ang isang matinding dahilan para ma-excite ako weekly to take on this show."

Dingdong Dantes in Amazing Earth

Photo source: @dongdantes

Isa rin sa mga inaabangan niya sa taping ay ang makakilala ng ilang mga Amazing Earth heroes na kanilang ibinabahagi every Sunday.

Saad ni Dingdong, "Equally as important to that is that I get to meet many other people every week. I get to witness their stories, I get inspired by yung mga ginagawa nila na nakamamangha para sa ating kalikasan, at hindi lang sa kalikasan pati na rin sa lipunan."

Dugtong pa ng ating Amazing Earth host, tulad ng mga manonood ay natututo rin siya sa kanilang mga inihahandang palabas tuwing Linggo. Para kay Dingdong, ang Amazing Earth ay hindi lamang trabaho para sa kaniya dahil may bitbit siyang aral sa bawat episode.

"In the process natututo ako talaga, ang dami kong natututunan at ang dami kong baon tuwing ginagawa ko itong show na ito. Hindi lang ito trabaho para sa akin, ako'y nagiging estudyante rin ng buhay dahil sa programang ito."

Abangan ang Amazing Earth 4th anniversary episodes simula ngayong July 10, 5:20 p.m. sa GMA Network.

Samantala, tingnan ang mga amazing photos ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth dito: