GMA Logo dingdong dantes directing marian rivera
What's on TV

Dingdong Dantes, "mas malala" pa raw na direktor kaysa sa mismong direktor ng 'Tadhana?'

Published May 1, 2021 9:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2 high school students, nahulihan ng pellet gun; pandepensa umano nila sa mga namamaril nito sa labas ng paaralan
Magnitude 4.9 quake jolts waters off Davao Occidental
Alex Eala, Venus Williams advance to Bad Homburg Open doubles quarterfinals

Article Inside Page


Showbiz News

dingdong dantes directing marian rivera


Marian Rivera on Dingdong Dantes as 'Tadhana' spiels director: "Alam mo naman minsan taratirat ako so sabi n'ya..."

Sa kabila ng COVID-19 quarantine, tuluy-tuloy pa rin ang pagho-host ni Marian Rivera sa GMA weekly programa na Tadhana.

Ito ay dahil nagagawa pa rin ni Marian ang kanyang hosting duties para sa award-winning drama show sa tulong ng kanyang asawang si Dingdong Dantes.

Si Dingdong ang kasalukuyang tumatayong direktor ni Marian bilang host ng Tadhana.

Kuwento ng aktres sa live online event ng GMA Pinoy TV ngayong April 30, "Noong una, nangangapa kami pero, syempre, bilang marami na kaming pagkakataon na nagawa 'yan, in fairness, nakaka-in love naman s'yang direktor."

Ayon kay Marian, magaling daw na direktor si Dingdong dahil natutulungan siya nitong mailabas ang kanyang emosyon sa pagde-deliver ng kanyang spiels.

"S'ya 'yung tipong direktor na gusto n'ya i-explore ko kung paano ko i-e-express pero, syempre, gusto n'ya rin ma-deliver nang tama 'yung dapat maramdaman.

"Ayaw n'ya lang basta maideliver."

Birong pabulong pa ni Marian, "Mas malala talaga s'ya kaysa sa direktor ko sa Tadhana kasi s'ya gusto n'ya with emotions tapos kailangan tama 'yung pronunciation tapos hindi nagmamadali."

Dugtong niya, "Alam mo naman minsan taratirat ako so sabi n'ya 'relax, relax.'

"Lagi niya akong nire-remind na ganito lang kaya mabuti pinagbigyan siya na maging direktor ko sa Tadhana para 'di na 'ko lumabas ng bahay.

"So after the Tadhana taping, ang bayad ko sa kanya ay kiss, gano'n sumasaya na s'ya."

'Amazing Earth' in the new normal

Samantala, kasalukuyan namang napanood naman si Dingdong sa infotainment program na Amazing Earth.

Matapos ang lockdown noong nakaraang taon, nakabalik na si Dingdong sa pagte-taping sa field.

Bahagi niya, "Very, very safe naman ang mga pinupuntahan namin so iba naman 'yung shooting ng Amazing Earth kumpara sa mga teleseryeng ginagawa kasi kung wala kami sa park, nasa rooftop kami ng GMA so umiikot talaga.

"Kami 'yung isa sa mga unang production sa GMA na unang bumalik sa trabaho pagkatapos ng lockdown last year kaya very thankful ako na may pagkakataon pa kami para gawin ang Amazing Earth.

"Ibigay 'yung mga kwento ng mga hayop at mga kwento tungkol sa kalikasan para sa mga manonood."

Bago mag-taping, sinisigurado raw ng management ng Amazing Earth na negatibo ang lahat ng staff at crew ng programa.

Lahad ni Dingdong, "Bago kami pumunta sa taping, lahat ng kasamahan ko na crew, staff, lahat, nagpapa-test muna kami para masigurado na wala ni isa sa'min ang may virus and mabilis lang naman kami siguro three hours, matagal na 'yung four hours tapos diretso na 'ko sa bahay. Uuwi na 'ko."

Maliban kay Marian, ilang celebrity moms din ang sumailalim sa work-from-home arrangement sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Tingnan ang kanilang WFH setup dito: