
May paalala si Dingdong Dantes para mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa kapag bumabagyo o masama ang panahon.
Ito ay bahagi ng tungkulin ni Dingdong bilang ambassador para sa National Disaster Resilience Month 2025. Ipinakilalang ambasssador si Dingdong ng Office of Civil Defense nitong July 1 sa Makati.
Sa Unang Hirit ay ipinakita ang mga videos ni Dingdong na nagpapaalala ng mga dapat tandaan at gawin bago bumagyo. Ipinakita rin ang pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa flood warning system ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration). Makikita ang mga ito sa social media platforms ng Kapuso Primetime King.
Noong ipinakilala si Dingdong bilang ambassador ay inilahad niyang masaya siya na bahagi siya ng pagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon para sa mga Pilipino. Aniya, "I appreciate the fact that it is now a multimedia campaign. One of the goals is to make it accessible, to make it, of course, relatable and not intimidating."
Narito ang ulat ng Unang Hirit: