
Nakakabahala ang mga balitang ating naririnig tungkol sa mga problema sa kalikasan. Dahil dito ay may paalala ang Amazing Earth host.
Ani ni Dingdong Dantes, ay bawat kuwento tungkol sa ating kalikasan at mga hayop na naninirahan sa mundo ay dapat bigyang pansin.
Aniya, “May aral ang mga kuwento ng kalikasan… maliit man o malaki ang bida, ang mga hayop parang tao lang- ayaw magutom, gustong mabuhay.”
Abangan ang mga makabuluhang adventures ni Dingdong Dantes tuwing Linggo sa Amazing Earth, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.