GMA Logo Dingdong Dantes safety reminders about earthquakes
Celebrity Life

Dingdong Dantes, may paalala tungkol sa lindol bilang ambassador ng 'Panatag Pilipinas'

By Maine Aquino
Published October 12, 2025 12:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BI reminds foreigners to show up for 2026 Annual Report
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes safety reminders about earthquakes


Alamin ang mga paalala ni Dingdong Dantes tungkol sa mga dapat gawin at dalhin kapag mayroon mga sakuna.

Ilang educational videos o paalala tungkol sa lindol at iba pang sakuna ang kinatampukan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Ito ay bahagi ng kaniyang role bilang ambassador ng Panatag Pilipinas campaign, katuwang ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC at Office of Civil Defense.

Si Dingdong ay ipinakilalang ambassador noong inilunsad na National Disaster Resilience Month 2025 ng Office of Civil Defense nitong July 1 sa Makati.

Saad ni Dingdong sa kaniyang interview kay Aubrey Carampel sa 24 Oras, "These are mga information videos on what to do sakaling may earthquake, may sunog, may volcanic erruption, may bagyo, may pagbaha. 'Yung mga basic na kailangan mong gawin."


Ang mga educational videos na ito ay magsisilbing gabay sa kung ano ang mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng iba't ibang sakuna.

Dugtong pa ni Kapuso Primetime King, "Itong mga information na ito ay very accessible kasi online lang makikita mo siya. I-share mo lang 'yan para lahat ay magkaroon ng kopya... Hindi siya mahirap, mga one minute, two minutes bite-size information para mas madali nating ma-absorb at ma-practice sa ating mga bahay."

Panoorin ang ulat ng 24 Oras dito:

Samantala, abangan si Dingdong Dantes sa Amazing Earth, Family Feud, at ang bagong serye na Master Cutter.