
Bukod sa pagiging celebrity, National Youth Commission officer at haligi ng tahanan ng kanyang pamilya, mayroong bagong pagkakaabalahan si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. This time, magfo-focus siya sa pag-maintain ng kanyang healthy body sa pamamagitan ng triathlon.
Sa Instagram ng celebrity-athlete na si Kim Atienza, inanunsyo niyang kabilang na si Dingdong sa grupo nilang Team Gotta.
"The tri season begins! Welcome to the team, @dongdantes," saad ni Kim.
Bago pa kay Dingdong, aktibo na rin ang ilang celebrities tulad ni Isabelle Daza at ang kapatid ni Solenn Heussaff na si Erwan Heussaff sa nasabing grupo. Sumasali ang Team Gotta sa iba't ibang triathlon competitions hindi lang sa bansa kung 'di pati na rin abroad.
MORE ON DINGDONG DANTES:
Marian Rivera, pinuri ang asawang si Dingdong sa pagiging asawa at ama
Dingdong Dantes, pinarangalan sa 5th TulaKabataan Awards
LOOK: Dingdong Dantes and Baby Zia's remote control battle