
Masayang masaya si Dingdong Dantes dahil muli niyang nakasama sa stage ang kagrupong Abztract Dancers.
Ang Kapuso Primetime King ay naging bahagi ng sikat na '90s dance group na Abztract Dancers. Kasama niya rin sa grupo ang pinsan niyang si Arthur Solinap.
Sa recent post ni Dingdong ay ibinahagi nito na nakasama niyang muli ang mga kaibigan sa dance floor dahil bahagi sila ng reunion concert ng SexBomb Girls sa Araneta Coliseum.
Ani Dingdong, "Ang saya ko na muling makasama ang aking mga ka-grupong Abztract Dancers."
RELATED GALLERY: LOOK: Celebrities who started out as dancers
Saad pa ng Family Feud at Amazing Earth host labis ang kaniyang pasasalamat sa reunion concert ng SexBbomb Girls dahil ito ang naging daan para sa muling pagsasama ng Abztract Dancers.
"Laking pasasalamat namin sa SexBomb dahil sa kanilang reunion — nagkaroon tuloy kami ng sarili naming mini-reunion. Heto kami, nag-eensayo bago sumabak sa entablado ng Araneta kagabi."
Sa video makikita ang rehearsal nina Dingdong at iba pa niyang kagrupo. Panoorin ito dito:
SAMANTALA, NARITO ANG MGA NAGANAP SA REUNION CONCERT NG SEXBOMB GIRLS: