
Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang sagot ng isang contestant sa “Fast Money Round” ng Family Feud nitong Lunes, Feb. 12.
Sa tanong ng host na si Dingdong Dantes na, “[Name something na] ipinapasok sa katawan ng tao,” ang naibulalas ni Kiks Ferrer ng Team Tiktoclock Boys ay t*** - ang private part ng lalaki.
Maging si Kiks ay nagulat sa kanyang sinabi at halatang medyo na-distract ang game master na si Dingdong sa pagbabasa ng sumunod na tanong.
Zero ang nakuhang puntos ng sagot na t*** ni Kiks. Ang top answer sa survey question ay gamot o injection.
Panalo pa rin ng PhP100,000 ang Tiktoclock Boys na binubuo nina Kiks Ferrer, Bordy Bordeos, Timothy Baccari at Neo Toledo. Tinalo nila ang Team Creazion na pinangunahan ng award-winning international actress na si Chai Fonacier kasama ang model-actor na si Matthias Rhoads, indie actress na si Alex Agustin, at actress-beauty queen na si Pupa Dadivas.
Sa ngayon, umabot na sa mahigit 1 million views ang video clip na ito na in-upload sa TikTok.
@familyfeudph HUY! #fyp #familyfeudph #viral#trending #FeudRisingTalents ♬ original sound - Family Feud Philippines
Narito naman ang sari-saring reaksyon ng netizens sa social media sa sagot ni Kiks:
“The most honest answer in Family Feud, 'Yung iba nahihiyang sumagot ng ganyan,” komento ng isang netizen.
“Pinigilan naman niyang isagot pero wala talaga siyang ibang maisip hahaha,” natatawang komento naman ng isa pang netizen.
“When your intrusive thoughts win!” sabi naman ng isang fan.
Dagdag ng isang Family Feud viewer, “Napa-hoy ako kanina habang nanonood ako.”
“He's not wrong though,” anang isang Kapuso viewer.
Reaksyon pa ng isang netizen, “Let's be real. If hindi bawal 'yan, siguradong 'yan ang top answer.”
“Napanood ko kanina 'yan. Tawang-tawa kami ni mama dyan. Off guard si Dingdong e. Muntik pang ma-distract,” komento pa ng isang social media user.
RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Family Feud's trending and most-watched episodes
Samantala, patuloy na manood ng Family Feud mula Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA. Napapanood din ito worldwide via its official Facebook Page, YouTube Channel at Kapuso Livestream.