
Aliw na aliw si 'Kapuso Primetime King' Dingdong Dantes sa ginawa ng isang fan sa kanilang family photo. Gamit ang isang face-swap application, pinagpalit-palit ang mga mukha nina Dingdong, Marian at Zia Dantes.
Mukha ni Kapuso Primetime Queen Marian ang inilagay sa katawan ni Dingdong, samantalang ang baby face naman ni Zia ang ipinatong sa buntis na katawan ni Marian.
LOOK: Ate Zia meets younger brother Ziggy
Ang mukha naman ni Dingdong ang nakalagay sa maliit na katawan ni Zia.
Tuwang-tuwa rin ang ilang celebrities nang makita nila ang larawan.