GMA Logo Dingdong Dantes
PHOTO SOURCE: GMA Integrated News
What's on TV

Dingdong Dantes, nagbahagi ng aabangan sa 'Family Feud' 4th anniversary

By Maine Aquino
Published February 28, 2026 1:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Kath Santos returns as streaking San Sebastian upsets Mapua
Duterte camp believes ICC pre-trial judges will make 'right decision'
100 beneficiaries, nahandugan ng libreng pustiso sa ilalim ng GMAKF "Ngiting Kapuso Project"

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Magsisimula na ang Family Feud 4th anniversary sa March 2.

Inilahad ni Dingdong Dantes ang kanilang handa sa engrandeng anniversary episodes ng Family Feud ngayong Marso.

Simula March 2, mapapanood na ang Family Feud ang "four-ever ang tawa, four-ever ang saya" anniversary episodes.

Ayon sa ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, maraming mga aabangan sa Family Feud simula sa Lunes.

Kuwento ni Dingdong ang mga experience niya bilang host ng apat na taon sa Family Feud, "As a host tuwing may mga bisita tayo, siyempre araw-araw masaya ako na nakikilala ko sila. Masaya ako na nakakapagbigay sila ng good vibes parati dahil sa mga sagot nila."

Dugtong pa ni Dingdong, "Minsan tama man o hindi talagang maaaaliw tayo sa mga sagot nila."

Inilahad ng Kapuso Primetime King na malaking pasabog ang inihanda ng Family Feud sa mga manonood.

"Espesyal ito, mas bibigyan namin ng mas pinatinding mga elemento na nakakatuwa para sa ating viewers."

Isa sa mga dapat subaybayan sa Family Feud ang mas pinalaking Guess More, Win More promo.

Saad ni Dingdong, "Every week, sa mga nanonood, sa mga sumasali sa Guess To Win promo, all throughout the day, makikita na nila yung questions. Hindi lang dito sa Family Feud, mula tanghali, hapon, hanggang gabi, nakakakalat yung Guess to Win promo questions natin. Every week, worth PhP 500,000 ang mapapanalunan nila."


Narito ang iba pang mga detalye para sa Guess More, Win More promo ng Family Feud.