
Ipinakita ni Dingdong Dantes na may dala siyang swerte sa TiktoClock.
Ang Kapuso Primetime King ay nakisaya sa Match Maswerte segment ng TiktoClock kasama sina Betong Sumaya at Thea Astley noong Martes, September 16. Nayakap pa ni Dingdong ang studio Tiktropa player bilang pangpaswerte para maraming mauwing cash prize sa Match Maswerte.
Sa Match Maswerte, ilang beses na nag-match sina Dingdong, Betong, at Thea kaya nagkatalunan at hiyawan sa TiktoClock studio.
Nagpasalamat naman ang studio Tiktropa kina Dingdong, Betong, at Thea dahil sa ilang beses siyang naka-triple match. "Salamat po, Sir Dingdong. Pangpaswerte ko kayo!"
Balikan ang maswerteng episode kasama ang celebrities ng weekend primetime shows ng GMA sa video sa itaas.
Patuloy na maki-happy time at subaybayan ang pagbuhos ng blessings sa "Very - BERi Masaya and Very-BERi Maswerte" episodes ng TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA.
SAMANTALA, BALIKAN ANG GMA GALA 2025 LOOKS NG TIKTOCLOCK STARS: