GMA Logo Dingdong Dantes on Family Feud
What's on TV

Dingdong Dantes, nagpasalamat sa karangalang natanggap ng 'Family Feud' sa CMMA

By Maine Aquino
Published October 22, 2026 4:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Traders hold pig holiday to protest imports 
NBA Legend Dwayn Wade, Nibisita sa Pilipinas | Balitang Bisdak
Keempee de Leon, NAGPASIKAT sa 'Garbage Omelette'! | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes on Family Feud


Dingdong Dantes: "Inihahandog po namin ang parangal na ito sa mga Kapuso."

May mensahe ng pasasalamat si Dingdong Dantes sa Catholic Mass Media Awards or CMMA para sa parangal na natanggap ng Family Feud.

Panalo sa 48th Catholic Mass Media Awards ang Family Feud bilang Best Entertainment Program. Pinangalanan nila ang mga nagwagi sa 48th Catholic Mass Media Awards noong October 17.

Saad ng Family Feud host na si Dingdong, "Isa pong taos pusong pasasalamat sa Catholic Mass Media Awards or CMMA sa pagkilala sa Family Feud bilang Best Entertainment Program sa telebisyon."


Pagpapatuloy ni Dingdong, handog itong parangal sa mga Kapusong sumusubaybay sa Family Feud.

"Inihahandog po namin ang parangal na ito sa mga Kapuso natin na hindi lang po sa Pilipinas kung hindi po sa buong mundo. Makakaasa po kayo na patuloy kaming maghahatid ng mga episode na o-ber sa tawa at o-ber sa saya araw-araw.

Muli, maraming salamat CMMA. Mabuhay po kayo."


Abangan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa buong detalye.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.