
Nagkaroon ng 2025 kulitan si Dingdong Dantes kasama ang FM radio jocks sa Family Feud. Pero bago ang kanilang survey hulaan, dati nang nakasama ng Kapuso Primetime King ang The Morning Rush DJs na sina Chico Garcia, Delamar Arias, at Gino Quillamor.
Sa isang throwback photo ipinakita na nakasama nina Chico, Delamar, at Gino si Dingdong noong July 2013. Eleven years later, nagkita sila muli at nag-bonding sa Family Feud.
PHOTO SOURCE: Jaime Rhyan Bautista
Sina Chico at Gino ay sumabak sa Family Feud noong February 25. Ang team na lumaban para sa The Morning Rush ay sina Chico, Markki Stroem, Hazel Aguilon, at Kayla Rivera. Si Gino naman ay parte ng Boys Night Out group kasama sina Tony Toni, Slick Rick, at Tin Gamboa.
Balikan ang kanilang Family Feud episode dito:
Samantala, abangan ang exciting na Family Feud 3rd anniversary special ngayong March 2025.
Magsisimula na ito ngayong Lunes, March 3 sa Family Feud!