
Binati ng TiktoClock hosts si Dingdong Dantes sa kaniyang kaarawan ngayong August 2.
Sa episode ngayong araw ay ipinakitang dumaan ang Kapuso Primetime King sa studio ng TiktoClock. Kausap ni Kuya Kim sa gilid ng studio ng TiktoClock si Dingdong nang ipakita siya sa camera.
"Dinalaw tayo sa studio ni Mr. Dingdong Dantes!" saad ni Pokwang.
Dito na nagsimula ang pagbati sa kaarawan ng Primetime King ng GMA Network. Nauwi pa sa sayawan ang pagbati kay Dingdong.
Samantala, nag-post din si Dingdong tungkol sa kaniyang kaarawan kasama ang asawa na si Marian Rivera at mga anak na sina Zia at Sixto.
Ani Dingdong, simple lang ang kaniyang hiling, "She asked me what I wanted for today, and I just requested this quiet breakfast with them--something I haven't been able to do the past few weeks because of continuous work. And yeah, it was just how I imagined it to be: calm, serene, and full of love. Thank you, my wife and kids, for the perfect start to #AgostoDos."
Happy birthday, Dingdong!
NARITO ANG TRIVIA TUNGKOL SA KAPUSO PRIMETIME KING NA SI DINGDONG DANTES: