GMA Logo Dingdong Dantes COVID-19
What's Hot

Dingdong Dantes, nanawagan ng kooperasyon at pagtutulungan sa gitna ng banta ng COVID-1

By Jansen Ramos
Published March 17, 2020 12:32 PM PHT
Updated March 22, 2020 9:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes COVID-19


Dingdong Dantes sa mabilis na paglaganap ng COVID-19: "Ang labang ito ay nangangailangan ng ating kooperasyon at pagtutulungan."

Nanawagan si Dingdong Dantes sa social media na pairailin ang kooperasyon at pagtutulungan sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

IN PHOTOS: Celebrities' advice to avoid catching coronavirus (COVID-19)

Ito ay matapos isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 'enhanced community quarantine' ang buong Luzon para maiwasan ang paglaganap ng pandemya, isang araw matapos ipatupad 'community quaratine' sa Metro Manila.

Sambit ni Dingdong sa Instagram, "We are now in a battle that challenges systems, institutions and the very core of our humanity. At ang labang ito ay nangangailangan ng ating kooperasyon at pagtutulungan.

"Now, more than ever, we are challenged to be responsible citizens to the best of our abilities."

Ayon kay Dingdong, resposibidad ng bawat isa na palakasin ang kanilang resistensya at pairain ang disiplina para sa kapakanan ng kanilang kapwa at mahal sa buhay.

"Nagsisimula ito sa pagpapalakas ng ating kalusugan at disiplina sa ating sarili, dahil dito nakasalalay ang kalakasan ng ating mga pamilya at ng ating komunidad," ani ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) actor.

Panawagan pa ni Dingdong na isama sa mga panalangin ang mga frontliners sa pagsugpo sa pagkalat ng COVID-19 dahil maituturing silang modern heroes.

Sabi niya, "Nananawagan din ito ng mas matibay na pananalig at pagdarasal para sa ating lahat lalong lalo na sa ating #FrontlinersPH - sa modern heroes ng labang ito katulad ng ating medical professionals, emergency responders, mga pulis at sundalo, mga empleyado ng service industry, at media."

Ani pa ni Dingdong, ang kasalukuyang krisis sa kalusugan ay hindi lang laban ng gobyerno at mga private sector kung 'di laban din ng bawat isa.

Saad ng Kapuso Primetime King, "We are in a battle that demands for the government and the private sector's proactive and strengthened response.

"We are in a battle that requires us, citizens, to integrate health emergency preparedness in our way of life.

"We are in a battle that reminds us to go back to basics - from our personal needs, relationships with our families and friends, respect for the environment, care for the most vulnerable, and to our values, beliefs and faith.

"And with prayers, strong leadership and concerted action, we can overcome this."

Ayon sa latest report ng GMA News, 142 na ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa bansa habang 12 naman ang namatay dahil dito.