GMA Logo Dingdong Dantes in TiktoClock
What's on TV

Dingdong Dantes, napasabak sa hulaan at palaro ng 'TiktoClock'

By Maine Aquino
Published December 14, 2023 5:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gabbi Garcia, Khalil Ramos to star in Ben&Ben’s ‘Duyan’ MV
P44M alleged smuggled cigarettes seized off Davao de Oro
NLEX to increase toll fees starting January 20

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes in TiktoClock


Alamin ang reaksyon ni Dingdong Dantes sa pagsabak sa "Ulo ng mga Balita" at "Hale-Hale Hoy" ng 'TiktoClock'.

Nakasama sa happy time ng TiktoClock ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Nitong Miyerkules, napanood si Dingdong sa TiktoClock at sumabak pa sa mga masasayang segments na "Ulo ng mga Balita" at "Hale-Hale Hoy".

INSET: 45
IAT: Dingdong Dantes in TiktoClock

Ayon kay Dingdong, napalaban siya hulaan sa "Ulo ng mga Balita" at mala-workout na "Salo Salo Together". Naki-react din si Dingdong sa controversial topic of the day sa "Heto na Nga".

"As expected, sobrang saya talaga ng experience." Saad ni Dingdong sa kaniyang ikalawang pagbisita sa TiktoClock.

Ikinuwento pa ni Dingdong kung bakit nag-enjoy siya sa palaro sa "Hale-Hale Hoy" at hulaan sa "Ulo ng mga Balita".

"Hindi lang masaya, talagang very very physical. Napaisip pa tayo sa Ulo ng mga Balita."

"Ang galing e, hindi ko talaga akalain. Pero nakakatuwa kasi may premyo talaga 'pag mali ang sagot. Sa totoo lang, minali ko talaga sagot ko," biro pa niya.

Manood ng TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang TiktoClock sa Kapuso Stream sa YouTube at TiktoClock Facebook page.

Samantala, balikan ang happy time at good vibes sa TiktoClock pictorial: