
Wagi si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa 2017 FAMAS Awards!
Pinarangalan siya ng FPJ Memorial Award na kumikilala sa isang aktor na nakapagpakita ng husay, karisma at pagmahal sa genre ng action.
Dahil kasalukuyang nagbabakasyon si Dingdong kasama ang kanyang pamilya, ang pinsan niyang si Carlo Gonzalez ang tumanggap ng award para sa kanya.
"Maraming salamat primo @jcdgonz for accepting the FAMAS FPJ Memorial Award on my behalf. Looking sharp as always," sulat niya sa kanyang Instagram account.
Ang FAMAS Awards ay taunang parangal kung saan kinikilala ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences ang mga makabuluhang kontribusyon sa pelikulang Filipino.