
Naging bahagi ang Amazing Earth host at Be Juan Tama campaign ambassador na si Dingdong Dantes sa nakaraang Resilience Run/Walk 2026 ng Office of Civil Defense nitong July.
Ang Resilience Run/Walk 2026 ay ginanap sa Makati City bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month. Kabilang din sa mga dumalo sina Usec. Harold Cabreros, Mr. Lee Yam Ming ng AHA Center, Usec. Diane Cajipe ng DSWD, Mr. Jay Dequiros ng Ayala Foundation, at Junie Castillo, ang Spokesperson ng Office of Civil Defense.
Ayon sa post ni Dingdong tungkol sa event na ito, “Always inspiring to meet the men and women who quietly do the work of keeping our communities safe and who are ready to respond whenever disaster strikes. Maraming salamat for everything you do.”
Samantala, nag-iwan ng mensahe si Dingdong sa 2026 Stormwater Summit bilang isang Panatag Pilipinas ambassador.
Aniya, "Ang pagiging handa at matatag bilang isang bansa ay nagsisimula sa bawat isa sa atin.”
Dagdag pa niya, “Alam kong naging pangkaraniwan na sa atin ang pagbaha, na tila ba bahagi na ito ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero hindi natin dapat ito ituring na normal… as the Ambassador at the Office of Civil Defense sa ilalim ng Panatag Pilipinas campaign, naniniwala akong ang kahandaan ay higit pa sa isang programa.. isa itong kulturang sama-sama nating mabubuo at maisasabuhay.”