
Bilang tinaguriang showbiz royalties na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang tanong ng karamihan ay kung susunod din ba sa kanilang mga yapak ang kanilang mga anak na sina Zia at Sixto?
Sa report ni Tina Imperial sa 24 Oras nitong Biyernes, August 30, nag-react si Dingdong sa posibilidad na pagpasok nina Zia at Sixto sa showbiz.
"We don't know yet," sagot ng Kapuso Primetime King.
Dagdag nito, "But one thing is for sure, we always make it a point that regardless of what we do, diba in our profession lalo na dito sa media, sinisiguro namin na ginagawa namin ito para balang araw, masabi ng mga anak namin "Ay proud kami sa trabaho na ginawa ng aming mga magulang.""
Inamin ni Dingdong na ito rin ang laging sinasabi nila ng kaniyang asawa na si Marian Rivera sa isa't isa.
Kasabay nito, ibinahagi rin ng aktor na ang kanilang hangarin para sa mga anak ang isa sa mga dahilan kung bakit mas naging passionate siya sa bago niyang advocacy na Be Juan Tama, isang kampanya na nagtataguyod ng wasto at nakakatulong na impormasyon mula sa entertainment shows.
Kamakailan, kasama ni Dingdong sina Chris Tiu at Boy Abunda na pumirma ng Memorandum of Agreement para sa nasabing campaign sa kani-kanilang programa na Amazing Earth, iBilib, at Fast Talk with Boy Abunda.
Samantala, tingnan dito ang heartwarming moments ni Marian Rivera kasama ang kaniyang mga anak na sina Zia at Sixto: