
Inulan ng papuri ang pinakabagong action series ng GMA Prime na The Master Cutter sa unang dalawang linggo nito.
Matapos ang tatlong taong pamamahinga sa primetime, talagang kapanapanabik at tinutukan ng netizens ang maangas na pagbabalik ni Dingdong Dantes sa TV bilang si Atoy, isang scout ranger noon na ngayon ay mananabas sa Baclaran.
“Ang ganda ng world premiere! Wala talagang kupas ang Primetime King na si Dingdong Dantes!” ani ng isang Kapuso Stream viewer.
“Basta talaga si Dingdong Dantes ang bida, maganda 'yan!” sabi ng isa pang commenter.
Bukod sa mala-action star na pagganap ng Kapuso star, hanga rin ang manonood sa maaaksyong tagpo gabi-gabi at pang-international na mga eksena.
Ilan lamang ang mga ito sa komento ng netizens matapos ang world premiere noong May 11:
“Wow! Action movie ang datingan!”
“Not into action series pero this one is very impressive. Even the visuals and effects, galing.”
“Ang intense! Super love it!
“Wow! Umpisa pa lang, ang ganda na. Exciting 'yung mga susunod na episode.”
Napansin din ang ganda ni Max Collins bilang si Elaine, isang guro sa isla kung saan napadpad si Atoy.
“Can I just say, napakaganda ni Max Collins dito?” sabi sa isang comment.
“Sobrang ganda mo, Elaine!” dagdag ng isa pang viewer.
Kabilang sa cast ng The Master Cutter sina Paolo Contis, Tonton Gutierrez, Joey Marquez, Ketchup Eusebio, Shuvee Etrata, at Jo Berry.
Tutukan ang mas tumitindi pang kwento ng The Master Cutter sa GMA Network at Kapuso Stream, Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m.!