What's on TV

Dingdong Dantes, pinuri si Kristoffer Martin sa pagkanta ng theme song ng 'Alyas Robin Hood'

By MICHELLE CALIGAN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 22, 2020 10:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



First time ni Kristoffer na kumanta ng teleserye theme song at marami siyang pinabilib, kasama na si Alyas Robin Hood. 

Si Kapuso actor Kristoffer Martin ang boses sa likod ng theme song ng pinakabagong primetime series na Alyas Robin Hood na pinamagatang 'Sa Piling Mo.' Ayon sa tweet ng aktor, ito ang kauna-unahang beses na kumanta siya ng teleserye theme song.

 

 

"Panuorin natin mamaya ang pilot episode ng Alyas Robin hood! Unang beses kong kumanta para sa theme song ng isang soap! Yey!," saad niya.

Marami ang pumuri sa boses ni Kristoffer, na hindi inakalang siya ang kumanta nito.

 

 

 

 

 

 

Isa pang bumati sa mahusay niyang pag-awit ay walang iba kung 'di ang gumaganap bilang Alyas Robin Hood na si Dingdong Dantes.

 

Malapit na ring bumalik sa GMA Afternoon Prime si Kristoffer. Muli siyang mapapanood sa Anything For You kasama si Joyce Ching.

MORE ON KRISTOFFER MARTIN:

Kristoffer Martin at Joyce Ching, bukas sa ideyang magkabalikan 

Kristoffer Martin, varsity player dati