GMA Logo Dingdong Dantes and Marian Rivera
Photo source: 24 Oras, marianrivera (IG)
Celebrity Life

Dingdong Dantes, proud sa achievements ni Marian Rivera

By Karen Juliane Crucillo
Published August 30, 2025 11:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada slows down as 4 Bicol areas under Signal No. 2
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes and Marian Rivera


Todo ang suporta ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera matapos nitong makatanggap ng Best Actress award sa FAMAS Awards 2025.

Isang proud husband si Dingdong Dantes sa mga natatanggap na parangal ng kaniyang asawa na si Marian Rivera.

Ayon sa report ni Tina Imperial sa 24 Oras nitong Biyernes, August 29, masaya si Dingdong para sa Best Actress award ni Kapuso Primetime Queen sa FAMAS Awards 2025 para sa kaniyang pagganap bilang Teacher Emmy sa Balota.

"Alam mo dream niya talaga magkaroon ng mga ganitong roles e," sabi ng aktor.

Ibinahagi ni Dingdong na "bonus" na lang para kay Marian ang makatanggap ng ganitong klase ng recognition.

Dagdag pa niya, "Pero now that the awards are really coming in, 'yung mga recognition na Best Actress niya for that specific role, it really means so much to her because she really loves her craft as an actress."

Kamakailan lang, nagbigay naman ng "sweet treat" si Dingdong kay Marian sa isang lunch celebration kasama ang kanilang mga anak at mahal sa buhay.

Maliban sa pagkilala kay Marian, nakatanggap din si Dingdong ng award bilang Best Game show host sa PMPC Awards for Television para sa Family Feud Philippines.

Samantala, silipin dito kung paano ipinagdiwang ni Dingdong Dantes ang Best Actress award ni Marian Rivera: