GMA Logo Dingdong Dantes
Source: dongdantes IG
What's Hot

Dingdong Dantes, proud sa tagumpay ng mga artistang Pilipino sa world cinema

By Rowena Alcaraz
Published December 18, 2022 3:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Livestream: May 12, 2026
BFAR-11 steps up to help Davao City fisherfolk amid El NiƱo threat
Here are the winners of The Miss Philippines 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Dingdong on the Filipino artistry: "Tunay, ang mga Filipinong aktor ay kabilang sa pinakamahuhusay sa mundo, at maituturing na yaman ng bansa."

Si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ay isa sa mga aktor na natutuwa sa mga pagkilalang natatanggap ng mga Filipino actors abroad.

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Sa isang post, nagbigay ng isang pagpupugay ang aktor para sa mga tumanggap ng recognition sa international cinema.

Sulat ni Dong: "Nagbubunyi ang AKTOR (League of Filipino Actors) sa tagumpay na inaani ng mga Filipinong artista sa teatro, pelikula at telebisyon.

Si Dolly de Leon ang unang artistang Pinoy na nominated sa Golden Globe Awards ng Estados Unidos. Nauna rito, itinanghal siyang best supporting actress sa Los Angeles Film Critics Award.

Nagwagi naman si Jodi Sta Maria sa Asian Academy Creative Awards

Napansin din ang pag ganap ni Soliman Cruz sa Romanian film na To the North kasama sina Bart Guingona at Noel Sto Domingo; , Chai Fonacier sa Nocebo ng Amerika at si Stefanie Arianne ng Japanese film na Plan 75.

Itinampok din sa pelikula ni Lav Diaz na Kapag Wala nang mga Alon na tumanggap
ng papuri sa IFFI GOA sina John Lloyd Cruz, Ronnie Lazaro, Shamaine Centenera at DMs Boongaling."

Ayon kay Dong, ang mga nasabing tagumpay ay karugtong ng mga naunang pagkilala sa mga artistang Filipino noon pa man tulad nina Charito Solis, Nora Aunor, Angeli Bayani, Jacklyn Jose, John Arcilla at iba pa.

Dagdag ni Dong: "Tunay, ang mga Filipinong aktor ay kabilang sa pinakamahuhusay sa mundo, at maituturing na yaman ng bansa. Mabuhay ang Filipinong Aktor!"

Sinangayunan naman ito ng mga kapwa artista ni Dong na sina Jerald Napoles, Bianca Gonzalez-Intal, Lotlot de Leon, Jay Cuenca, at Baron Geisler.

Comments

SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA CELEBS NA KINILALA ANG MGA NATATANGING TALENTO ABROAD SA GALLERY NA ITO: