GMA Logo Dingdong Dantes and Mikael Daez
What's on TV

Dingdong Dantes reveals interesting common facts between him and Mikael Daez

By Aimee Anoc
Published March 23, 2023 11:16 AM PHT
Updated May 31, 2023 3:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes and Mikael Daez


Ano-ano nga ba ang pagkakapareho ng 'Royal Blood' actors na sina Dingdong Dantes at Mikael Daez?

Nagbigay si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ng nakatutuwang pagkakapareho nila ng Royal Blood co-star na si Mikael Daez.

Bukod sa parehong nagsisimula sa letrang "D" ang kanilang mga apelyido, ang dalawang Mr. Ds na ito ay parehong bumida bilang Carlos Miguel sa drama series na Sana Ay Ikaw Na Nga.

Napanood si Dingdong sa orihinal ng naturang serye noong 2001 at bumida naman si Mikael sa remake nito noong 2012.

Dagdag pa ni Dingdong, sa tunay na buhay ay pareho rin nilang napangasawa ang dalawang gumanap na Marimar sa Philippine television.

Bumida sa Marimar ang asawa ni Dingdong na si Primetime Queen Marian Rivera noong 2007 at ang asawa naman ni Mikael na si Megan Young noong 2015.

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Kapwa mapapanood sina Dingdong at Mikael, kasama si Megan, sa pinakamalaking suspenserye ng GMA ngayong taon, ang Royal Blood.

Abangan ang Royal Blood soon sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: