GMA Logo dingdong dantes and marian rivera
Celebrity Life

Dingdong Dantes sa misis niyang si Marian Rivera: 'Forever and ever amen'

By Jimboy Napoles
Published June 6, 2022 4:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

High-profile drug suspect arrested in Iloilo; P6.12M alleged shabu confiscated
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion

Article Inside Page


Showbiz News

dingdong dantes and marian rivera


Nagsimula ang road to forever sa relasyon nina Marian Rivera at Dingdong Dantes nang sila ay ikasal taong 2014.

Isa sa mga maituturing na strong celebrity couple sa showbiz ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Makikita sa kanilang social media posts ang bonding moments nila, kasama ang kanilang dalawang anak na sina Zia at Sixto, ang patunay ng mas tumitibay nilang relasyon.

Sa Instagram, kasunod ng kanyang post tungkol sa kanilang 'Family day,' ipinost ni Marian ang sweet photo nila ng mister na si Dingdong.

"Bes," caption ni Marian sa kanyang post.

Agad naman na nagkomento dito si Dingdong.

"Forever and ever amen [kiss emoji]," sweet na komento ng aktor.

Naging mainit na usap-usapan kamakailan ang sunud-sunod na hiwalayan ng mga celebrity couple kaya tila nagpaalala ang DongYan na mayroon pa ring relasyon na going strong at road to 'forever.'

December 2014, naganap ang tinaguriang royal wedding ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong at Marian.

Samantala, bukod sa kanilang solo programs gaya ng Family Feud at Tadhana, muli na ring napapanood ang tambalan nina Dingdong at Marian sa pinakabagong Kapuso sitcom na Jose and Maria's Bonggang Villa.

Balikan ang ilan pang sweet moments nina Marian at Dingdong sa gallery na ito: