
Ipinasilip ni Dingdong Dantes ang taekwondo training ng kanilang bunsong anak ni Marian Rivera na si Sixto.
Isang proud father moment ang ipinost ni Dingdong sa kanyang Instagram account ngayong March 11.
Ani Dingdong sa cute na cute na photo ni Sixto, "Starting them young! Watching my little warrior take on Taekwondo with the big kids."
PHOTO SOURCE: @dongdantes
Saad pa ng Amazing Earth at Family Feud PH host, umaasa siyang maraming matutunan si Sixto sa pagta-Taekwondo.
"Hoping he learns the discipline and skill, but most importantly, has fun along the way."
SAMANTALA, NARITO ANG CUTEST PHOTOS NI SIXTO: