GMA Logo Dingdong Dantes
What's on TV

Dingdong Dantes shares stories about audio walking tour, ghosthunting, and more

By Maine Aquino
Published April 23, 2024 4:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Cooper Flagg's all-around effort sparks Mavs past Nets
XG evolves to 'Xtraordinary Genes'
Discaya, 9 others plead not guilty in anomalous Davao Occ project

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Abangan ang mga bago at exciting na kuwentong ito sa 'Amazing Earth.'

Sa April 26, mapapanood ang mga kaabang-abang na kuwento ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth.

Sa episode na ito ay magbabahagi si Dingdong ng kaniyang mga bagong kuwento sa Aliw Falls, Pilgrim's Dream Eco-Park & Resort sa Brgy. San Jose, Luisiana, Laguna.


Isa sa kaniyang ibabahagi sa Biyernes ay ang ghosthunting sa Bacolor, Pampanga kung saan matatagpuan ang isang graveyard na natabunan ng lahar. Alamin ang kuwento ng vlogger na si Jhing Relano na gumagamit ng AI phone app para makausap ang mga espiritu.

Makikilala rin sa Biyernes si Raizel Pauline Albano na isang anthropologist o cultural expert na gumawa ng audio walking tours para sa halos limampung local tourist spots.

Tutukan din sa Biyernes ang exciting na mga kuwento ni Dingdong mula sa nature docu-series na "Babies Diary: School of Life.”

Huwag magpahuli sa Best Time Ever na hatid ng Amazing Earth! Tutukan ang lahat ng ito sa Amazing Earth ngayong Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Network at Pinoy Hits.

Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.