GMA Logo Dingdong Dantes
Source: 24 Oras
What's on TV

Dingdong Dantes, sinabing mahalaga ang pagiging active kahit sobrang busy sa trabaho

By Aedrianne Acar
Published July 5, 2026 3:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Prince Harry's wife Meghan and their children will not join him in London next week
10 Things to do in Sydney when you need a break from PH's heat and humidity
Cop in controversial PNP-IMEG ops in Iloilo surrenders

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Multi-awarded actor Dingdong Dantes, focus pa rin sa kaniyang fitness kahit madami ang showbiz commitments.

Siguradong inspirasyon ng marami ang pagiging active ng multi-awarded actor na si Dingdong Dantes.

Matapos ang shooting niya sa Canada para sa pelikula nila ni Marian Rivera na Remember, agad na bumalik si Dingdong sa pagtakbo at nakunan siyang tumatakbo sa Makati.

Ayon sa Kapuso star, nagulat siya na mas naging fit siya kahit wala masyadong ensayo dahil sa paggawa nila ng pelikula.

“Medyo naparami yata 'yung lakad sa Canada. Sabi ko nga kung kailan ako wala masyadong ensayo at kain ako nang kain parang mas bumaba pa 'yung timbang.” Sabi niya sa 24 Oras.

Dagdag niya, “Maybe because sa kakagalaw-galaw, tsaka taping parati. Pero, siyempre again ano yan e, may kinalaman yan sa pagiging mindful lang sa overall well being.”

Mas lalo rin daw aabangan ng mga viewers ang mga susunod na misyon ng karakter niya na si Atoy sa The Master Cutter.

Last week, napanood ang pagdi-disguise ni Atoy bilang isang madre para sa misyon niyang alamin ang tunay na pagkatao ng magulang ni Ibyang (Sienna Stevens).

Inilarawan pa ni Dingdong na 'exciting' ang susunod na kabanata sa The Master Cutter.

“Katatapos niya lang maging madre. So marami-rami pa ang kailangan niyang pasuking identity para makamit ang mga mission na 'yan. Wala pa tayo sa exciting part,” aniya.

Panoorin ang simulcast airing ng The Master Cutter sa GMA, GTV, Heart of Asia, and I Heart Movies sa oras na 8:00 p.m.

RELATED CONTENT: Celebrities who enjoy their running era