What's on TV

Dingdong Dantes snaps photo of Zia and Sixto watching 'Jose and Maria's Bonggang Villa 2.0'

By Aedrianne Acar
Published January 21, 2024 10:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jose and Marias Bonggang Villa 2 grand opening


Salamat sa mainit na suporta n'yo, mga Kapuso! #JMBV2ChallengeAccepted

Naging family bonding ng Dantes family ang panonood ng grand opening ng Jose and Maria's Bonggang Villa 2.0 nitong January 20.

Sa post ni Dingdong Dantes sa kaniyang Instagram Story, makikita na nonood ng season premiere ng kanilang sitcom ang mga anak niya na sina Zia at Sixto.

Sa panayam noon ng GMANetwork.com, sinabi ng DongYan na fans ng Jose and Maria's Bonggang Villa ang kanilang dalawang anak.

Kuwento ng Kapuso Primetime King, “Nakakakilig na makita siya sa Netflix. And mas nakakatuwa dahil, talagang paborito siya ng mga anak namin [Zia and Sixto] ilang beses na nila napanood 'yung buong season paulit-ulit! Memorize na nila 'yung characters.”

Dagdag pa ng misis niya na si Marian Rivera: “Hindi lang pati character, pati mga lines. Memorize na nila.”

Netizens react to Jose and Maria s Bonggang Villa 2 0

Source: dongdantes (IG)

Samantala, sinuportahan naman ni Ultimate Star Jennylyn Mercado ang premiere ng season two ng DongYan sitcom sa Instagram.

Netizens react to Jose and Maria s Bonggang Villa 2 0

Netizens react to Jose and Maria s Bonggang Villa 2 0

Netizens react to Jose and Maria s Bonggang Villa 2 0

Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0 & GMA Network social media pages, mercadojenny (IG)

Dagsa rin papuri ng mga netizen sa “bonggang-bonggang” episode ng Jose and Maria's Bonggang Villa 2.0.

Sabi sa post ni @EdgharVillanue1 sa X, “Ang ganda, light comedy, may aral pa at bongga ang mga cast.. galeng ni marian at dingdong.”

Post naman ni @davidcambay, “Ang ganda ng premiere episode ng @BonggangVilla Season 2 this Saturday!”

Sama-sama uli manood with the whole family ng Jose and Maria's Bonggang Villa 2.0 next Saturday sa oras na 6:15 p.m., bago ang Pepito Manaloto!