Celebrity Life

Dingdong Dantes, strict na ama kay Zia?

By Maine Aquino
Published June 13, 2018 4:50 PM PHT
Updated June 13, 2018 4:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

RECAP: Team Philippines at the 2025 SEA Games
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion
Third-culture kid

Article Inside Page


Showbiz News



Ayon kay Dingdong Dantes, ang pagkakaroon ng balanse ng pagiging 'cool dad' at pagiging strikto ang susi sa tamang pagpapalaki ng mga bata.

Sa ginanap na media conference ng Amazing Earth ay tinanong ng ilang pang-Father's Day questions si Dingdong Dantes ng press. Isa sa kanyang mga sinagot ay kung siya ay isa bang strict dad sa kanyang unica hija na si Zia.

IN PHOTOS: Dingdong Dantes talks about 'Amazing Earth' and his advocacies

Ayon kay Dingdong, importante ang pagkakaroon ng balanse sa pagpapalaki ng anak. Aniya, "'Yun nga 'yung mahalaga eh, 'yung balanse. Kasi parang madali namang magpaka-cool dad. Pero minsan may mga mako-compromise ka na mga values 'tsaka mga rules ba na essential sa kanyang paglaki."

 

Isang highlight para sa akin ang mga simpleng kulitan sa park. #aroundZworld ????????

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

 

Importante umano para sa kanya ang pagkakaroon ng balanse para alam ng mga bata kung kailan ang tamang oras sa mga importanteng bagay sa buhay.

"It's really finding that balance kung kailan ang laro, kung kailan ang panahon para matuto at kailan 'yung mag-enjoy."