GMA Logo Dingdong Dantes
What's Hot

Dingdong Dantes, tumutulong sa displaced TV and film workers

By Maine Aquino
Published July 19, 2020 4:33 PM PHT
Updated July 19, 2020 7:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Ang food delivery service app na Dingdong PH ang magiging daan para makapaghatid ng tulong si Dingdong Dantes.

Nais umanong makatulong ni Dingdong Dantes sa kanyang mga katrabaho sa TV and film industry sa pamamagitan ng kanyang food delivery service app.

Sa ulat ni Cata Tibayan, ibinahagi nito na ang matutulungan ng Kapuso Primetime King ay ang displaced TV and film workers.

Si Carlo Kaunes na stuntman ng Descendants of the Sun ay isa sa mga magiging parte ng food delivery service app na Dingdong PH.

Kuwento ni Carlo, "Sa totoo po, na-depress po ako kasi lahat naman tayo, halos lahat nawalan ng income. Kaya ako kung kani kanino ako nangungutang para sa mga anak ko, sa family ko."

Si Paolo Molina naman na 16 years na rin sa industriya ay nagpahayag ng kanyang pag-aalala sa pagkahinto ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

"'Yung ginagawa namin biglang nawala. Bilang tatay, hindi mo alam kung saan ka kukuha ng lahat ng pangangailangan sa bahay namin."

Sa Dingdong PH app ay nagkaroon sila ng training. Pagbabahagi ni Dingdong, ito ay importante lalo na't kaligtasan ng riders ang kanyang binibigyang importansya.

Dingdong PH


"Maraming aksidente sa kalsada kung saan involved ang mga motorcycle riders kaya mahalaga na kung sakaling may mangyari sa kanila or makakita sila ng kasamahan nila sa kalsada na naaksidente, alam nila kung paano mag-respond."

Dagdag pa ni Dingdong ang importansya ng training sa finances.

"Mahalaga rin ay ang financial management. 'Yan kasi ang isa sa mga kailangan nating malaman 'di ba, kung paano natin puwede i-save."

Bilang may experience na siya sa pagde-deliver nang siya ay naghatid ng mga bulaklak sa business ni Marian Rivera, inamin ni Dingdong na nais niya ring maging parte ng servicemen

"I'm looking forward to be one of the delivery servicemen in one of these days."

Panoorin buong interview sa video sa itaas.

Lolit Solis commends Dingdong Dantes's leadership for establishing AKTOR

Dingdong Dantes to present COVID-19 experiences of student from Wuhan on 'Amazing Earth'