
Ipinasilip ni Dingdong Dantes ang kanyang picture perfect adventure sa Palawan para sa Amazing Earth.
Ayon sa post ng Amazing Earth host, siya ay nagpunta sa Calauit Safari Park sa Palawan. Ani Dingdong, ito ang tahanan ng ilang hayop na mula pa sa Africa.
"Ito ang Calauit Safari Park, isang game reserve and wildlife sanctuary sa Palawan. Ang higit sa 3,700 hectares na sakop nito ang nagsisilbing tahanan ng wild animals, kabilang na ang zebra at giraffe na dinala dito noong 1977 mula sa Africa. #AmazingEarth"
Dagdag pa ni Dingdong sa isang post, ang adventures niya sa Amazing Earth ang nagturo sa kanya ng magagandang lugar sa iba't ibang bahagi ng bansa. Dito rin natutunan ni Dingdong kung paano mag-co-exist sa ating mundo.
"Every week, i get to explore beautiful places in our country, and most of them are definitely not easy to get to. We cross islands, climb mountains, hike forests, and walk through sand dunes and grasslands-- quite challenging-- but i definitely embrace them just to deliver amazing stories about humanity, animals, our beautiful planet earth, and how all of these should co-exist with one another."
Panoorin ang mga Amazing Earth stories ng Kapuso Primetime King tuwing Linggo, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.