GMA Logo John Feir and Dingdong Dantes
Source: johnfeir17 (IG) & paolo_contis (IG)
Celebrity Life

Dingdong Dantes volunteers as photographer for John Feir

By Aedrianne Acar
Published March 16, 2026 2:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Oscars 2026: All the memorable moments
50 brgys in 10 LGUs affected by ash fall from Kanlaon Volcano

Article Inside Page


Showbiz News

John Feir and Dingdong Dantes


Super guwapo naman ng photographer mo, Patrick (John Feir)!

Laugh trip ang isang moment sa wedding reception ng Sparkle actor na si Mikoy Morales at asawa niyang si Isa Garcia nitong Sabado, March 14.

Ilang malalaking personalidad sa show business ang dumalo sa kanilang kasal, tulad na lang ng multi-awarded actor and host na si Dingdong Dantes at prized comedian na si Michael V.

Sa reception, aliw na aliw ang lahat na game na naging photographer si Dingdong ng Pepito Manaloto comedian na si John Feir na nagpakuha ng picture sa newlyweds.

Nakunan ni Paolo Contis ang nangyari at i-pinost sa kanyang Instagram Story. Biro ni Pao kay John na ginawa raw nitong photographer ang Kapuso primetime star.

Makakasama ni Dingdong si Paolo sa upcoming GMA Prime series niya na The Master Cutter na ipapapalabas din soon sa streaming platform na Netflix.

Samantala, naghatid din ng good vibes ang special award na natanggap ni John Feir mula sa mag-asawa nang nakuha niya ang The Earliest Bird Award. Matatandaang naging viral ang nangyari sa Kapuso comedian na pumunta sa St. John Bosco Parish sa Makati City noong Enero dahil namali siya ng basa ng date sa wedding invitation.

Ilan pa sa showbiz personalities na spotted sa kasal ni Mikoy ay sina Mikee Quintos at Juancho Trivino, pati na rin si Senator Bam Aquino.

RELATED CONTENT: Mikoy Morales Wedding: Cinemalaya Best Actor says 'I Do' in a beautiful ceremony