What's Hot

Dingdong Dantes would rather concentrate on showbiz than politics

By Dingdong Dantes would rather concentrate on showbiz than politics
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 25, 2020 4:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Wala sa isip ni Dingdong ang pumasok sa pulitika. Alamin kung bakit. 
By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Hindi maikakaila na isa si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa mga artistang kaliwa't kanan ang commitments ngayon. Bukod sa kanyang primetime soap na Ang Dalawang Mrs. Real with Lovi Poe and Ms. Maricel Soriano, siya rin ang kasalukuyang commissioner-at-large ng National Youth Commission.

Abala rin si Dong sa kanyang car dealership business, at pinasok na rin niya ang motorcycle racing sa pamamagitan ng pagsali sa Ducati Club Race noong Abril. Hanggang ngayon ay active pa rin siya sa YesPinoy Foundation na kanyang itinatag in 2009.
 
Sa dami ng pinagkakaabalahan ni Dingdong ngayon, hindi maiwasang isipin ng mga tao na baka may balak siyang pasukin ang mundo ng pulitika. Kaya naman inalam ng press mula mismo kay Dong kung may katotohanan ang mga haka-hakang ito.
 
"First things first. Gaya naman ng sinabi ko, I don't want to be unfair sa mga commitments na mayroon ako ngayon kung ipasok ko 'yan sa aking kamalayan. Right now, I'd like to concentrate dito sa soap at sa tungkulin ko bilang commissioner ng National Youth Commission," kuwento niya nang aming makapanayam sa press conference ng Ang Dalawang Mrs. Real.
 
As for YesPinoy, Dong reassures na tuloy-tuloy naman ang pagtulong nito sa mga nangangailangan. "'Yung YesPinoy, andiyan lang naman siya. I'm fortunate to have people who are already running it, so kahit andoon lang ako sa likuran niya ay tuluy-tuloy lang siyang tumatakbo."
 
Hindi nag-iisa si Dingdong sa kanyang desisyon, dahil ang girlfriend niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ay wala ring balak pumasok sa pulitika.