
Ano o sino ang mga pinagseselosan nila?
Naihahambing ng Magkaibang Mundo stars na sina Dion Ignacio at Juancho Trivino ang pagseselos sa pagmamahal.
Ito raw ang isang basehan ng labis na pagmamahal nila sa kanilang partners. Ayon sa hunky actor, “Ganun kapag lalaki eh pero [in a] good way, hindi ‘yung nananakit [kasi] nadadaan naman sa usapan [at] understanding naman ako.”
READ: “Ayoko ng pusong bato” –Dion Ignacio
Pinakapinagseselosan nila ay ang kapwa nilang lalaki na kinakausap ng kanilang lady love na hindi umano nila kilala. Kung kay Juancho pa, malala raw kapag hindi siya kinikilalang boyfriend, “Medyo off na ‘yun [at] nakakaselos na ‘yun. Siguro may fine line between being possessive and being seloso.”
READ: Juancho Trivino, dati pang gustong makapareha si Louise delos Reyes
Agree si Mars Suzi Abrera sa dalawang guwapong personalities, “I think sign siya ng pagmamahal kasi may care ka pa sa kanya eh. Actually, it makes you realize na attractive pa rin talaga ‘yung partner ko.”
Nagbigay naman ng payo si Mars Camille Prats, “Importante ‘yung selos pero dapat nasa lugar. Actually, ‘yung selos bumu-borderline ‘yan sa pananakal kasi parang it limits you from talking to other people or doing certain things with other people.”
Ayon sa Mars host, dapat may matinding pruweba bago magduda, magselos at magsalita nang patapos sa mga partners ninyo.
MORE ON 'MAGKAIBANG MUNDO':
Juancho Trivino on first lead role in a soap: “Parang panaginip”
EXCLUSIVE: Dion Ignacio, nahihirapan bang mag-adjust sa kanyang younger co-stars sa ‘Magkaibang Mundo?’